'Pangarap mo bang makabisita sa isa sa mga bansa sa Europa? Kung hilig mo ang mga pagkain nila, puwede mo na itong matikman salamat sa magkapatid na Karla at Kim Zulueta ng Aperitif. Hango sa salitang French ang pangalan ng kanilang negosyo na ang ibig sabihin ay pampagana. Bida sa kanila ang iba’t ibang uri ng keso, cold cuts, prutas, pastries at wine na inihahain nila sa kanilang catering services. Libangan lang noon nina Karla at Kim ang pag-oorganisa ng party ng kanilang pamilya na may temang Aperitif. Nang ayain sila ng isa sa kanilang kaibigan na ayusin ang handaan nito, dito nila nakuha ang ideya na gawin itong negosyo. “Mahilig kasi talaga kaming gumawa ng brands. I think ‘yun ‘yung forte naming magkapatid and then the next day napaisip ako why not let’s put it on Instagram”, pagbabalik-tanaw ni Karla kay Karen Davila para sa My Puhunan. Leveled-up catering ang serbisyo ng magkapatid sa mga may nais ng sosyal na presentasyon. Katunayan, umaabot sa 72 feet ang pinakamahabang grazing table na kaya nilang gawin sa isang handaan. Ang kanilang negosyo ay naging hit online. Karamihan ngayon sa kanilang mga kliyente ay mga pribadong kumpanya at ilang mga kilalang celebrities at personalidad. Sa mga nais namang matikman ang kanilang produkto, pinagsama nila sa isang kahon ang iba’t iba nilang produkto na mabibili sa kanilang bagong bukas na Europe-inspired na tindahan. Magara mang tingnan ang kanilang negosyo ngayon, malaking pagsubok pa rin ang pinagdaanan nina Karla at Kim para tanggapin ng madla. “One key success is that don’t be afraid to fail because when you fail, the only way is up so continue working.”, ani Kim. Subscribe to the ABS-CBN News channel! - http://bit.ly/TheABSCBNNews Visit our website at http://news.abs-cbn.com Facebook: https://www.facebook.com/abscbnNEWS Twitter: https://twitter.com/abscbnnews Instagram: https://www.instagram.com/abscbnnews #MyPuhunan'
Tags: pastries , News , philippines , abs-cbn , Business , french , catering , abs-cbn philippines , Philippine News , ABS-CBN News , European food , My Puhunan , Karen Davila , negosyo , grazing table , Private Company
See also:
comments